para kay marie
Umuwi siyang susuraysuray,
Buti umabot sa pinto
Ng aming bahay.
Imbis na kumatok,
Ginising niya ang lahat
Sa kanyang malakas na iyak.
Moowah! moowah!
Tila isang pumapalahaw na baka,
At Natulig ang aking tenga.
Pagbukas ng pinto,
Bumulwak ang suka.
At umagos ito
Na animo'y lava.
Gusto ko siyang iwan
Sa labas ng tarangkahan.
Ngunit,
Nakita kong
Malamlam ang kanyang
Mga mata.
Waring nakikiusap.
Kaya kahit mabigat siya,
Gamit ang lahat ng aking lakas
Hinila ko siya sa loob.
Pinaliguan.
Binihisan.
Ipinagtimpla ng kape.
Mainit,
Matapang,
May kaunting tamis,
Pero tiyak kong
Magigising ang kanyang
Pagal na kabuoan.
Gusto kong sumigaw!
Mainis at mairita.
Pero natigilan ako,
Mahal ko sya.
Di ko alam
Kung ano ang buhay
Kung wala
Ang mga oras na ganito.
Di ko lubos maisip
Kung paano
Ang lahat kung
Di siya
Ang kapatid ko!
________________________________________________
si marie

Alas-singko na ng umaga, tulog na si Marie. Mabuti naman at payapa na siya.
Alas-tres y media na siya dumating. Tahimik na tinatahak ng aking isipan ang hiwaga ng gabi ng biglang pumitlag ang aking damdamin dahil sa malakas niyang iyak. Dinig ko ang kanyang boses mula sa aking silid. Wala akong nagawa kundi tumayo mula sa aking pagkakahiga. Ako na lamang ang gising sa buong kabahayan.
Lasing na lasing ang kapatid ko. Di ko alam ang mararamdaman ko. Maiinis ba ako o maawa sa kanya. Bahala na. Bukas mag-uusap kaming dalawa.

No comments:
Post a Comment