TOUGH TIMES NEVER LAST BUT TOUGH PEOPLE DO

Showing posts with label charmed silence: poems. Show all posts
Showing posts with label charmed silence: poems. Show all posts

Sunday, January 6, 2008

Ikaw ay Isang Tula

Di maarok ng kawalang-malay
Mga talinhagang nakakabit
Sa misteryosong pagkatao.
Bawat salitang binabanggit
Maaninag ang naiibang sining.
At lahat ng tinuturan,
Kumukurot sa puso
Lumilikha ng kislot sa isip.

Saklaw ng ritmo
Ang iyong mga galaw.
May imahen ang mga kilos,
Isang katotohanang
Hindi namumutawi sa bibig.

Kay tagal na sinuri,
Pinagbulayan,
Ang tema sa likod
Ng iyong mga ngiti.
Nakatitigalgal na malaman
Sa kabila ng mga metapora

---Natatago
ang iyong kalungkutan.

Friday, November 30, 2007

space

If in between heartbeats
Lies the flame of perpetual darkness,
Can drops of blood
Quench the thirst
Of a lost soul?
Indeed,
It was adrenalin rush
That provoked awakening.
The flesh is again
At its finest
The scars,
Yes, the scars
The scars of yesterday,
They can no more be seen.
Then, amidst ambiguity
Surprising,
Yet unwaveringly true
A faint throb
Activated a bomb
That blasted the emptiness away.
Suddenly, everything is at a halt.

Friday, November 16, 2007

Fallen Cleft

specially made for japhet's mom

I heard the wind whisper my name,
The echoes bounced back and forth
And left my ear a resounding melody.
The gentle murmurs cascaded
Like an old memory -
I miss your bosom,
That flowery bosom,
Oh, that flowery one;
Where seeds of music
Came to life;
No one can disturb
Her silent lullaby.

Departure from my side
Was not part of the prophecy;
For your hand
Is my sanctuary.

I miss your bosom, Mom
I miss you.

(
a collaboration between Japhet Calupitan & SaLaMaNgKeRa)
___________________________________________
Japhs, whereever she is... I bet your Mom is proud of you.

Wednesday, October 10, 2007

ALAMBRENG SAMPAYAN

para kay alambre

Wangis mo’y
Espesyal ang hubog.
May pormang magara
Na kinamamanghaan
Ng sino mang labandera.
Sa Iyong makisig
Na pagkawagayway,
Walang pasubaling
Sa matiponung kawad mo’y
Kay inam sumampay
Upang sa bugso ng hangin
Matuyo itong
Basang suliranin.

Henyo ka
Sa paningin ng araw.
Higit ka pa sa martir
Sa pananaw ng ulan.
Gaano man kabigat
Ang damit mong tangan
Paghihimutok sa iyo’y
Hindi mauulinigan.
Kung minsan,
Di maiiwasang
Ikaw ay mapatid.
Pagkat iyong kalasag
Matibay man,
Ay may hangganan din.

Bininat ka
Ng init at lamig.
At sa iyong pag-iisa
Tanging tukurang kayawan
Ang iyong kasama.
Mga nasaksihan mo
Sa iyong pagkakasabit
Kikintal sa gunita,
Hindi mawawaglit.
Kaya’t bayaan mong
Awitan ka ng maya.
Magpahinga ka sa saliw
Ng kanyang musika
Upang magdugtong
Mga napigtal na alaala.
Nararapat na magpalakas ka.
Pagkat bukas
Mas marami pang labada!

________________________
Keith, alam ko makakaya mo ang lahat
Naniniwala ako sayo.

Saturday, September 29, 2007

ESPASYO

(para sa kanya)

Kung mananalaytay
Ang apoy ng puso
Sa kabuoang batbat
Ng pangamba
Mapapawi kaya
Ang pagkauhaw
Ng kaluluwang ligaw?
Hindi ba’t silakbo
Ang nagtulak
Kung kaya’t sa kabila
Ng pagkapagal
Ay nagawang pumitlag
Ng damdaming
Kay tagal ng nahimlay.
Wala na ang bakas
Ng mga sugat ng kahapon.
At sa gitna ng kalituhan
Isang kidlat ang yumanig
Sa kanyang katauhan!
Tumigil ang pag-inog
Ng sandaigdigan.
At ang nawawala
Maari ng matagpuan
Panahon lamang marahil
Ang tanging kailangan.
Matatabunan na muli
ng liwanag ang karimlan.

_________________________

mula sa salamangka
ng pusong nahahalina
silakbo ang nagtulak
upang maisatitik ang nadarama