Tuesday, August 14, 2012
Without You
I can't win, I can't reignI will never win this gameWithout you, without youI am lost, I am vain,I will never be the sameWithout you, without you
I won't run, I won't flyI will never make it byWithout you, without youI can't rest, I can't fightAll I need is you and IWithout you
Without youOh, oh, oh!You! You! You!WithoutYou! You! You!Without you
Can't erase, so I'll take blameBut I can't accept that we're estrangedWithout you, without youI can't quit now, this can't be rightI can't take one more sleepless nightWithout you, without you
I won't soar, I won't climbIf you're not here, I'm paralyzedWithout you, without youI can't look, I'm so blindI lost my heart, I lost my mindWithout you
Without youOh, oh, oh!You! You! You!WithoutYou! You! You!Without you
I am lost, I am vain,I will never be the sameWithout you, without youWithout you
________________________________________
I love this song so much.... It reminds of how much I love peter
Friday, April 18, 2008
Agio
Di magkamayaw ang mga kamay,
Lubhang puno ito ng laman.
Nagpapawis,
Nanginginig,
Namimitig.
Ngunit kung sisilipin,
Makikita na nanunuot
Sa pagitan ng mga daliri
Ang umaalpas na hangin.
At ang tanging naiiwan
………..ay ang mga marka.
Tuesday, April 15, 2008
Buhawi
Niyayakap ng hangin ang alikabok
Pilit ikinukulong,
Kinakandili sa kanyang lupaypay na bisig.
Aalpas kaya ito?
At tuluyang babangga
Sa pader ng kawalan.
Magpapahingalay
Sa kumakalinga
Umaalog nanaman ang buong bahay
Thursday, March 20, 2008
Sunday, February 17, 2008
hindi ako marunong magsulat
Dugo ang tintang naaninag
Sa papel na basa ng luha.
Dito ko nilalayong ilathala
Ang aking mga akda.
Walang akong pormal na kasanayan.
Mga likha ko’y bunga lamang
Ng mapaglarong isipan
At nag-aapoy na damdamin.
Salat ako sa karanasan
Bilang isang makata.
Mangmang kung ikukumpara
Sa lahat ng mananalaysay.
Ngunit,
ang akda ko ay akin.
Hindi natatangi ang aking pluma.
Subalit bawat sa marka nito,
Mababatid ang pangarap kong matuto;
At ang pagnanais na makilala ang sarili ko
sa likod ng mga kathang
bumubuo sa aking pagkatao.
Saturday, January 26, 2008
PAGKAMULAT
Paano nga ba nadungisan
ang malinis na batis
ng putik na mula sa mga paang
malayo pa ang nilakbay
matamo lamang
ang tinaguriang
rurok ng kaligayahan?
Sunday, January 6, 2008
taglagas
ng mga dahong
nagmamadaling humalik
sa mainit na lupa.
ilang tagtuyot na
.........ang nasaksihan.
kaunti na lang
.........sasapit na
ang pagsibol
na inaantabayanan
bukas.........
mamamangha muli
sa pagtubo
ng panibagong
bulaklak.
ngunit ang lahat.........
ng simula
.........hindi magaganap
kung wala
................................ang katapusan.
tumataas na ang bunton
nitong mga dahon
nagkukulay kape na
.........ang kalangitan
paalam na sa nakaraan
Friday, December 14, 2007
BASAG
Walang takot na sinalubong
Ang matatalim na bato.
Buti’t galos lang ang natamo
Sa biglaang pagkakaluhod.
Muntik ng sumabasob
Ng tangkaing saluhin
Laman ng mesang tumaob.
Kahit halos mabangasan
Pagkahulog ay di napigilan.
Pira-pirasong sumambulat.
Mga himaymay ay nagkalat.
Sa isang iglap,
Ang kristal na pinakaiingatan
Walang patumanggang nawasak
Inagaw ng anino
Kawalang-malay ng tunggak.
Sunday, November 18, 2007
Ikaw,Ang Hangin At Ang Ulan - by: Vener Santos
ikaw...
sa bugso ng bagabag na sa isip mo'y tumutulak,
sa gumuhong pusong 'di kinaya ang bigat,
sa napiping panalanging hindi makalipad,
lagi silang naririyan,upang ika'y tulungang
ihakbang ang iyong mga paa,ihele
ang damdaming nasasabik sa panaginip.
ang hangin...
laging nakaalalay sa bawat mong galaw,
tahimik mang nakamasid sa iyong paligid,
laging may hatid na ginhawa sa bawat
mong langhap,kumakalas ang taling
sumasakal sa 'yong pusong naninimdim.
ang ulan...
sa tuwing ika'y nauuhaw sa paglaya
ng damdamin mong napupugnaw,
sa init ng luha na asidong tumutunaw
sa 'yong puso,naririyan siya
upang lunurin ang lumbay,
at sa tuwina'y kaagapay mo
sa pagdidilig ng punla
ng pag-ibig sa iyong puso.
___________________________
"sana makatulong to sa paglutas mo sa gusot ng lovelife mo...hehe." - Vener Santos (Posted by vener santos last 2007/9/25 9:30:00 at penster.fyi.ph)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
well, i guess veny is one of those few people who knew what i felt back then.... thank you so much for being a friend vener santos....
Saturday, November 3, 2007
LUMOS
Maaninag ang naiibang kislap
Ng mga luhang nabuo
Mula sa walang tigil
Na pagtangis.
Habang unti-unting
Nahihimlay sa karimlan,
Patuloy ang pagindayog
Upang bigyang buhay
Ang napapagal na kaluluwa.
At sa kanyang pagyao,
Maiiwan ang mga bakas
Ng natunaw na sera
Na minsang nagpainit
Sa malamig na gabi.
Tuesday, October 30, 2007
Baliw at Bilanggo
Ang kanilang pagitan,
Manipis na hangin
Ang tanging ugnayan.
Mga isip ay nagtagpo
Sa kahong de kuryente.
Mga katauha’y nagbunggo
Sa gitna ng mga kable.
Mahabang kurdon
Ang naging daluyan
Ng dalawang puwersang
Ikinulong sa karimlan.
Ang sala ng una,
Pagtalikod sa kamalayan.
Napiit ang ikalawa,
Sa pagkitil ng nadarama.
Sabay na humagod
Sa rehas na kalawangin,
Iisa ang sukat
Ng seldang nais lisanin.
Sa paghigpit ng kadena,
Sinikil ang pagtangis
Ng tahimik na umaga.
Mga kaluluwang ligaw
Ay malaya na.
Sunday, October 28, 2007
Rosaryo
Wag kang maingay
Nagdadasal ako!
Nagdadasal din ako!
Malaki ang hinihingi ko,
Kaya dapat malakas.
Ano ba hinihiling mo?
Sabihin mo sa akin
At isasama ko
Sa mga panalangin ko.
Isauli mo na
Ang asawa ko!
Wednesday, October 24, 2007
Lantang Bulaklak
Kasabay ng mga klik
At iba’t ibang pitik
Narinig ko ang himno
Mula sa mga bubuyog.
Nakapaligid sila sa'yo.
Nagkakagulo,
Natataranta,
Nag-uunahan.
Nahuhumaling sa kariktang
Likha ng sari-saring kulay.
Naiigaya sa halimuyak
Na buhat sa pagkasariwa.
Subalit mabilis ang pag-akyat
Ng hangin sa bundok
At lahat ay naglaho
Pagdating sa taluktok.
Marahil,
Mananatili na lamang
Ang gandang namasdan
Sa likod ng kamera.
Thursday, October 18, 2007
SALAMIN
Ang pagyukod ng iyong ulo.
Imbis na matunaw
Sa mga titig mo
Sinaklawan ko
Ang iyong kabuoan
Ng mga tingin ko.
Umidayog ka
Sa aking harapan
Ng buong giliw.
Sa iyong
Malikot na galaw
Sinubukan mong agawin
Ang aking katauhan.
Datapuwat ay balot ako
Ng liwanag,
Nasilaw ka
At tumigil sa pag-indak.
Sa muli mong pag-aninag
Nasilayan mo
Ang baluti kong
Likha ng iyong persona.
Nagimbal,
Nagulantang,
Nayanig
Ang iyong pagkatao
Sa katotohanang
Sa akin ay
Wala kang maitatago.
Pagkat sumasaiyo ako
At ikaw ay sumasakin.
Tayo ay iisa.
Pagpaling ko sa kanan
Pumihit ka sa kaliwa.
Hindi mo ako maiiwasan
Talikuran mo man
Ang aking katawan.
Makitid ang espasyo
Sa ating pagitan.
Sa iyong paglapit
Nakapagtataka
Na hindi man nagdaiti
Ang ating kaluluwa
Patuloy na nagsanib
Ang ating hininga.
Napagtanto ko
Ikaw pala
Ang bumubuhay sa akin.
Ginalugad mo
Ang aking mga kanto.
At sa bawat sulok
Natuklasan mo
Ang mga lihim
Sa iyong pagiging tao.
Hindi sinasadya
Unti-unting bumulaga
Sa iyong kamalayan
Ang mga kalakasan mong
Naka-ugat sa akin.
Naisin mo mang ikubli
Ang iyong mga kahinaan
Mananatiling ako
Ang iyong tunay
Na pagkakakilanlan.
Marahil sa akin mo
Lamang masusumpungan
Ang matagal mo ng
Inaasam na kasagutan.
Pagkat sa aking balintataw
Mababanaag mo ang tugon
Na walang bahid
Ng pagkukunwari.
Ikaw ay ako
At ako ay ikaw.
Monday, September 3, 2007
SILAKBO
Upang mailuwal
Ang laman ng isipan.
Nang dahil sayo,
Nabuhay sa katotohanan
Ang damdaming pinag-alab
Ng mga karanasan.
Walang patumangga
Mong inudyukan ang pluma.
Kung kaya’t sa papel
Ay dumanak ang tinta.
Nailathala mo
Ang apoy ng diwa,
Pagkat ikaw
Ang dugo na nanalaytay
sa sanlibutan.
Makapangyarihan ka!

Wednesday, July 4, 2007
SaLaMaNgkeRa
Di dapat mag-apuhap,
Pagkat maaring di maaninag
Ang kislap ng kanyang kalasag.
Tila isang tala sa kalawakan.
May liwanag na hatid sa karimlan.
Animo’y isang hudyat ng pag-asa
Sa nasisiphayong kaluluwa.
May kinang ang kanyang salamangka.
Na mamasid sa bawat kumpas ng barita.
Nasasalamin ang naiibang kinabukasan
Sa kanyang misteryosang katauhan.
Isang marikit na awit sa umaga,
Nakabibighani at nakahahalina.
Kaakit-akit ang kanyang katapangan
Nagpapasigla sa nanambitan.
Maihahalintulad ang kanyang kapangyarihan
Sa diwatang reyna ng karagatan.
Ang busilak ngunit mapanuri niyang puso,
Tiyak na masisilip gaano man ito itago.
Siya ang salamangkera,
Dilag na nababalot ng mahika.
Di maitatanggi ang katotohanan
Na dala niya ay kaligayahan.