Pader na itim
Ang kanilang pagitan,
Manipis na hangin
Ang tanging ugnayan.
Mga isip ay nagtagpo
Sa kahong de kuryente.
Mga katauha’y nagbunggo
Sa gitna ng mga kable.
Mahabang kurdon
Ang naging daluyan
Ng dalawang puwersang
Ikinulong sa karimlan.
Ang sala ng una,
Pagtalikod sa kamalayan.
Napiit ang ikalawa,
Sa pagkitil ng nadarama.
Sabay na humagod
Sa rehas na kalawangin,
Iisa ang sukat
Ng seldang nais lisanin.
Sa paghigpit ng kadena,
Sinikil ang pagtangis
Ng tahimik na umaga.
Mga kaluluwang ligaw
Ay malaya na.
Tuesday, October 30, 2007
Sunday, October 28, 2007
Rosaryo
Shhh!!! Ale,
Wag kang maingay
Nagdadasal ako!
Nagdadasal din ako!
Malaki ang hinihingi ko,
Kaya dapat malakas.
Ano ba hinihiling mo?
Sabihin mo sa akin
At isasama ko
Sa mga panalangin ko.
Isauli mo na
Ang asawa ko!
Wag kang maingay
Nagdadasal ako!
Nagdadasal din ako!
Malaki ang hinihingi ko,
Kaya dapat malakas.
Ano ba hinihiling mo?
Sabihin mo sa akin
At isasama ko
Sa mga panalangin ko.
Isauli mo na
Ang asawa ko!
Wednesday, October 24, 2007
Lantang Bulaklak
Kamakailan lang
Kasabay ng mga klik
At iba’t ibang pitik
Narinig ko ang himno
Mula sa mga bubuyog.
Nakapaligid sila sa'yo.
Nagkakagulo,
Natataranta,
Nag-uunahan.
Nahuhumaling sa kariktang
Likha ng sari-saring kulay.
Naiigaya sa halimuyak
Na buhat sa pagkasariwa.
Subalit mabilis ang pag-akyat
Ng hangin sa bundok
At lahat ay naglaho
Pagdating sa taluktok.
Marahil,
Mananatili na lamang
Ang gandang namasdan
Sa likod ng kamera.
Kasabay ng mga klik
At iba’t ibang pitik
Narinig ko ang himno
Mula sa mga bubuyog.
Nakapaligid sila sa'yo.
Nagkakagulo,
Natataranta,
Nag-uunahan.
Nahuhumaling sa kariktang
Likha ng sari-saring kulay.
Naiigaya sa halimuyak
Na buhat sa pagkasariwa.
Subalit mabilis ang pag-akyat
Ng hangin sa bundok
At lahat ay naglaho
Pagdating sa taluktok.
Marahil,
Mananatili na lamang
Ang gandang namasdan
Sa likod ng kamera.
Thursday, October 18, 2007
SALAMIN
Sinabayan ko
Ang pagyukod ng iyong ulo.
Imbis na matunaw
Sa mga titig mo
Sinaklawan ko
Ang iyong kabuoan
Ng mga tingin ko.
Umidayog ka
Sa aking harapan
Ng buong giliw.
Sa iyong
Malikot na galaw
Sinubukan mong agawin
Ang aking katauhan.
Datapuwat ay balot ako
Ng liwanag,
Nasilaw ka
At tumigil sa pag-indak.
Sa muli mong pag-aninag
Nasilayan mo
Ang baluti kong
Likha ng iyong persona.
Nagimbal,
Nagulantang,
Nayanig
Ang iyong pagkatao
Sa katotohanang
Sa akin ay
Wala kang maitatago.
Pagkat sumasaiyo ako
At ikaw ay sumasakin.
Tayo ay iisa.
Pagpaling ko sa kanan
Pumihit ka sa kaliwa.
Hindi mo ako maiiwasan
Talikuran mo man
Ang aking katawan.
Makitid ang espasyo
Sa ating pagitan.
Sa iyong paglapit
Nakapagtataka
Na hindi man nagdaiti
Ang ating kaluluwa
Patuloy na nagsanib
Ang ating hininga.
Napagtanto ko
Ikaw pala
Ang bumubuhay sa akin.
Ginalugad mo
Ang aking mga kanto.
At sa bawat sulok
Natuklasan mo
Ang mga lihim
Sa iyong pagiging tao.
Hindi sinasadya
Unti-unting bumulaga
Sa iyong kamalayan
Ang mga kalakasan mong
Naka-ugat sa akin.
Naisin mo mang ikubli
Ang iyong mga kahinaan
Mananatiling ako
Ang iyong tunay
Na pagkakakilanlan.
Marahil sa akin mo
Lamang masusumpungan
Ang matagal mo ng
Inaasam na kasagutan.
Pagkat sa aking balintataw
Mababanaag mo ang tugon
Na walang bahid
Ng pagkukunwari.
Ikaw ay ako
At ako ay ikaw.
Ang pagyukod ng iyong ulo.
Imbis na matunaw
Sa mga titig mo
Sinaklawan ko
Ang iyong kabuoan
Ng mga tingin ko.
Umidayog ka
Sa aking harapan
Ng buong giliw.
Sa iyong
Malikot na galaw
Sinubukan mong agawin
Ang aking katauhan.
Datapuwat ay balot ako
Ng liwanag,
Nasilaw ka
At tumigil sa pag-indak.
Sa muli mong pag-aninag
Nasilayan mo
Ang baluti kong
Likha ng iyong persona.
Nagimbal,
Nagulantang,
Nayanig
Ang iyong pagkatao
Sa katotohanang
Sa akin ay
Wala kang maitatago.
Pagkat sumasaiyo ako
At ikaw ay sumasakin.
Tayo ay iisa.
Pagpaling ko sa kanan
Pumihit ka sa kaliwa.
Hindi mo ako maiiwasan
Talikuran mo man
Ang aking katawan.
Makitid ang espasyo
Sa ating pagitan.
Sa iyong paglapit
Nakapagtataka
Na hindi man nagdaiti
Ang ating kaluluwa
Patuloy na nagsanib
Ang ating hininga.
Napagtanto ko
Ikaw pala
Ang bumubuhay sa akin.
Ginalugad mo
Ang aking mga kanto.
At sa bawat sulok
Natuklasan mo
Ang mga lihim
Sa iyong pagiging tao.
Hindi sinasadya
Unti-unting bumulaga
Sa iyong kamalayan
Ang mga kalakasan mong
Naka-ugat sa akin.
Naisin mo mang ikubli
Ang iyong mga kahinaan
Mananatiling ako
Ang iyong tunay
Na pagkakakilanlan.
Marahil sa akin mo
Lamang masusumpungan
Ang matagal mo ng
Inaasam na kasagutan.
Pagkat sa aking balintataw
Mababanaag mo ang tugon
Na walang bahid
Ng pagkukunwari.
Ikaw ay ako
At ako ay ikaw.
Wednesday, October 10, 2007
ALAMBRENG SAMPAYAN
para kay alambre
Wangis mo’y
Espesyal ang hubog.
May pormang magara
Na kinamamanghaan
Ng sino mang labandera.
Sa Iyong makisig
Na pagkawagayway,
Walang pasubaling
Sa matiponung kawad mo’y
Kay inam sumampay
Upang sa bugso ng hangin
Matuyo itong
Basang suliranin.
Henyo ka
Sa paningin ng araw.
Higit ka pa sa martir
Sa pananaw ng ulan.
Gaano man kabigat
Ang damit mong tangan
Paghihimutok sa iyo’y
Hindi mauulinigan.
Kung minsan,
Di maiiwasang
Ikaw ay mapatid.
Pagkat iyong kalasag
Matibay man,
Ay may hangganan din.
Bininat ka
Ng init at lamig.
At sa iyong pag-iisa
Tanging tukurang kayawan
Ang iyong kasama.
Mga nasaksihan mo
Sa iyong pagkakasabit
Kikintal sa gunita,
Hindi mawawaglit.
Kaya’t bayaan mong
Awitan ka ng maya.
Magpahinga ka sa saliw
Ng kanyang musika
Upang magdugtong
Mga napigtal na alaala.
Nararapat na magpalakas ka.
Pagkat bukas
Mas marami pang labada!
________________________
Keith, alam ko makakaya mo ang lahat
Naniniwala ako sayo.
Wangis mo’y
Espesyal ang hubog.
May pormang magara
Na kinamamanghaan
Ng sino mang labandera.
Sa Iyong makisig
Na pagkawagayway,
Walang pasubaling
Sa matiponung kawad mo’y
Kay inam sumampay
Upang sa bugso ng hangin
Matuyo itong
Basang suliranin.
Henyo ka
Sa paningin ng araw.
Higit ka pa sa martir
Sa pananaw ng ulan.
Gaano man kabigat
Ang damit mong tangan
Paghihimutok sa iyo’y
Hindi mauulinigan.
Kung minsan,
Di maiiwasang
Ikaw ay mapatid.
Pagkat iyong kalasag
Matibay man,
Ay may hangganan din.
Bininat ka
Ng init at lamig.
At sa iyong pag-iisa
Tanging tukurang kayawan
Ang iyong kasama.
Mga nasaksihan mo
Sa iyong pagkakasabit
Kikintal sa gunita,
Hindi mawawaglit.
Kaya’t bayaan mong
Awitan ka ng maya.
Magpahinga ka sa saliw
Ng kanyang musika
Upang magdugtong
Mga napigtal na alaala.
Nararapat na magpalakas ka.
Pagkat bukas
Mas marami pang labada!
________________________
Keith, alam ko makakaya mo ang lahat
Naniniwala ako sayo.
Subscribe to:
Posts (Atom)