TOUGH TIMES NEVER LAST BUT TOUGH PEOPLE DO

Sunday, January 6, 2008

taglagas

walang tigil ang pamumulot
ng mga dahong
nagmamadaling humalik
sa mainit na lupa.

ilang tagtuyot na
.........ang nasaksihan.
kaunti na lang
.........sasapit na
ang pagsibol
na inaantabayanan

bukas.........
mamamangha muli
sa pagtubo
ng panibagong
bulaklak.

ngunit ang lahat.........
ng simula
.........hindi magaganap
kung wala
................................ang katapusan.

tumataas na ang bunton
nitong mga dahon
nagkukulay kape na
.........ang kalangitan


paalam na sa nakaraan

2 comments:

Black Antipara said...

Sa pamamaalam ng nakaraan ay isisilang ang panibagong ngayon at ang pangako ng bukas ay siyang tatanawin ng pagod nating kaluluwa.Zkey

Chelle Batanes said...

ito ang hudyat ng pagbubukas ng bagong pahina... tagsibol