Dugo ang tintang naaninag
Sa papel na basa ng luha.
Dito ko nilalayong ilathala
Ang aking mga akda.
Walang akong pormal na kasanayan.
Mga likha ko’y bunga lamang
Ng mapaglarong isipan
At nag-aapoy na damdamin.
Salat ako sa karanasan
Bilang isang makata.
Mangmang kung ikukumpara
Sa lahat ng mananalaysay.
Ngunit,
ang akda ko ay akin.
Hindi natatangi ang aking pluma.
Subalit bawat sa marka nito,
Mababatid ang pangarap kong matuto;
At ang pagnanais na makilala ang sarili ko
sa likod ng mga kathang
bumubuo sa aking pagkatao.
No comments:
Post a Comment